AICAGENSAN =)
Mga kaibigan ko na kahit kailan hindi sumuko sakin. Kahit na ano pang ginawa ko, hindi ako iniwan.
Lagi lang silang nakasuporta sa akin. Kung saan ako masaya, sususportahan nila ako.
Pinagsisihan ko yung pang-iiwan sa kanila noon, para sa isang taong hindi naman ako kayang pahalagahan
tulad ng pagpapahalaga ng AICAGENSAN sa akin. At ngayon, unti-unti kong aayusin lahat ng sinira ko.
Ang lahat ng pagkakamali ko, itatama ko. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanila noon.
Kung hindi pa malalasing si Generoso, siguro hindi ako matatauhan. Tumatak sa isip ko yung mga
salitang sinabi nya sa akin. Kahit na lasing sya, alam ko totoo yung sinabi nya.
"Alam mo Lyn, masama loob naming tatlo nung binlock mo kami sa fb. Kinalimutan mo kami eh! Sobrang
sakit nun para sa amin. Grabe ka. Tapos ngayon, ano? Iniwan ka?! Tsk. Hirap sayo eh. Tanga ka eh!"
Tapos dinagdagan pa ni Wells. Tama nga naman din kasi sya eh.
"Onga Yin. Sila na kasama mong umiyak ng dahil sa kanya, iniwan mo. Gumising ka na kasi.
Sila na karamay mo sa lahat, iniwan mo!"
Bumanat pa si Sandra.
"Akala namin matatauhan ka na nung pinalayas ka eh. Kaso hindi pa pala. Tsk. Hay nako Tumz.
Lahat na ng payo sinabi na namin sayo noon, nasa sayo na yan kung susundin mo kami. Paulit-ulit na lang eh."
Si Caryl, kahit tahimik lang sya, alam ko nasaktan ko din sya. Soulmate ko sya eh. Super close kami.
Talagang dikit na kung dikit. Pero dahil sa paglayo ko sa kanila, nagka-gap kami. Sa tingin ko nga,
mas nasaktan ako nung naramdaman kong ang layo na namin sa isa't isa e.
AiCaGenSan! Sorry. Sorry sa lahat. Mahal nyo talaga ako eh. Salamaaaaaaaat! Tinanggap niyo padin ako
matapos lahat ng kagagahan ko. Kahit kailan, di nyo ko iniwan.
Ngayon, nagkakabonding na ulet tayo. Namiss ko lahaaaat! Yung tawanan natin, asaran.
Yung pagwawala natin sa K-Hub. Yung kainan natin. Yung mga biglaang lakad. Lahaaat. =)
Hayaan nyo, hintayin niyo ko sa second sem. Sama-sama na ulet tayo. Hindi na ako hihiwalay.
Papahalagahan ko na kayo! :"> Puro salita? Gagawin ko nalang.
Gen, salamaaat ha? hahaha. alam ko namang super concern ka sakin ee. kaya gusto mo ng patayin yung nanloko sakin.
Sandra, salamat din sa walang katapusan at walang kasawaang advice mo sakin. hahaha! mwaaa :*
CARYL! Namimiss na kita. Sobrang namimiss na kita. Sorry ha? Masyado ata akong malayo. Kaya andami nag bago.
Lalapit na lang ulet ako. Magsisimula ulet ako, at hahabol sa kung ano yung dating tayo. ILY =)
Mahal na mahal ko kayo mga tungaw!
AKO na madramaaaa. Namiss ko lang talaga kayo.
No comments:
Post a Comment