Friday, July 27, 2012

Ako bilang AKO.

Ako si Ailyn Joyce R. Sarte at ako ay ipinanganak sa Maynila noong ika-5 ng Abril taong 1994. Isa lamang akong simpleng tao, na may simpleng pangarap. Ambisyong makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang pamumuhay kasama ng mga taong mahal ko sa buhay. Ang aking pamilya at mga kaibigan ang nagsisilbing buhay ko. Sila ang aking inspirasyon sa lahat ng mga ginagawa ko. Isa akong masayahing tao, pero may malalim na ugali.
Malaki ang aking pamilya, ngunit hiwalay na ang aking mga magulang. Ang aking ina na lamang ang tumataguyod sa aming mga magkakapatid, sa tulong na din ng aking kuya. Ang aking pamilya ay binubuo ng aking ama at ina, kasama ang aking dalawang kuya at dalawa pang nakababatang kapatid. Si Kuya Aaron ang panganay, kung saan sya ay bumukod na sa amin at ngayon ay nasa Taytay dahil may sarili na siyang pamilya. Si Kuya Alvin naman ay kasama namin dito sa bahay, siya ang nagbabantay at gumagawa ng mga gawaing bahay. Siya na din ang tumatayong ama namin dito sa bahay. Ako bilang ate. At may dalawa pang nakababatang kapatid, sina Allen at Arian.

Sa kasalukuyan, kami ay nakatira sa Caloocan City. Nagsimula akong pumasok ng paaralan nung ako'y apat na taong gulang. Ako'y nag-aral ng preparatorya hanggang ikalawang taon sa sekundarya sa Krislizz International Academy sa Trece Martirez, Cavite. Noong ako'y bata pa, lagi akong nangunguna sa aming klase. Lagi akong sinasabitan ng medalya. Taong 2008, ang aking pamilya ay nagdesisyon na lumipat ng tirahan dito sa Caloocan. Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa St. Dominic Savio College para sa aking ikatlong taon sa sekundarya. Nilipat ako ng aking ina ng paaralan sa St. Anthony Nova School kung saan ako'y nakapagtapos ng sekundarya. Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo sa National College of Business and Arts, kung saan kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Business Administration. Sabi ng nanay ko, matalino naman daw ako, tamad nga lang. Di man matataas ang aking mga grado, hindi naman ako nakakakuha ng mga bagsak na grado.

Noong bata ako, spoiled ako. Palibhasa, nung hindi pa pinapanganak ang bunso kong kapatid na babae, ako ang kanilang kaisa-isang anak na babae. May sarili akong katulong, madaming laruan at mga damit. Prinsesa ang turing nila sakin noon. Kaya nahirapan akong mag-adjust nung ipinanganak si Arian. Natuto na akong gumawa ng mga gawaing bahay. Ang pagsasaing pa nga ang una kong natutunan. Kaya konti lang yung alam ko sa gawaing bahay kasi hindi ko nakasanayan. Tanging paghuhugas ng pinggan, pagwawalis at pagsasaing lang ang madalas kong gingawa sa aming bahay.

Iba ang ugali ko kapag kasama ko pamilya ko at mga kaibigan ko. Maldita ako sa aming bahay. Lagi lang akong nasa kwarto, nagtetetxt at panay tulog. Hindi gaya ng ibang tao, madalas lang kami nag-uusap mag-ina. Mag-uusap lang kami pag may itatanong, pag manghihingi ng pera. Siguro, mabibilang mo sa daliri ng kamay mo kung ilang beses lang kaming nagtawanan. Hindi kami close ng nanay ko. Kahit na magkasama lang kami sa iisang bahay, pakiramdam ko nasa ibang bansa sya. Maaga siya umaalis para magtrabaho, sa mga oras na yun, tulog pa ako. Alas-singko ng hapon siya umuuwi, samantalang ako, gabi na. Pagkauwi ko, hahalik lang ako sa kanya at papasok na ulit sa aking mundo, ang aking kwarto. Iniinitindi ko na lang siya dahil siya naman ang tumataguyod sa amin. Nakakatawang isipin na ang tanging bonding na lamang namin ay ang mag-grocery. Tahimik lang ako sa bahay. Pero pag kasama ko na ang aking mga kaibigan, maingay ako. Makulit ako, patawa. Hindi ko alam kung bakit magkaiba yung pinapakita kong ugali sa aking pamilya. Siguro dahil na lamang yun sa pagkakaroon ko ng isang broken family.
Hindi ko naman masisisi  ang aking mga magulang kung bakit sila naghiwalay. Si Daddy, nagkaroon ng kirida. Kaming tatlong magkakapatid ang nakahuli sa kanya noon. Nataranta ako noon, di ko alam kung ano gagawin ko. Pero bilang ate, sinumbong ko kay Mommy. Kinaumagahan, pinalayas na ni Mommy si Daddy. Pagkauwi ko galing paaralan, wala na siya. Dumiretso lang ako sa kwarto, at nung alam kong wala ng nakakakita sakin, umiyak ako ng umiyak. Sinisi ko sarili ko kung bakit naghiwalay sila. Sabi ng mga kaibigan ko, maging matapang lang ako. Di ko daw kasalanan yun, si Daddy daw ang mali. Kung hindi ako nagsumbong, siguro hanggang ngayon, pinagmumukhang tanga ni Daddy si Mommy. Simula nung maghiwalay sila, doon ako nagsimulang maging mapag-isa dito sa aming bahay. Isa rin yun sa dahilan kung bakit lagi ako ginagabi sa galaan. Minsan nga mas nanaisin ko pang kasama ang aking mga kaibigan kaysa sa aking sariling pamilya. Dahila pag nasa bahay lang ako, ramdam ko na may kulang. Pero tuloy pa din ang buhay, kaya eto, nagpapakatatatag lang.

Labing-pitong taon pa lamang ako, pero madami na kong pinagdaanan. Rebeldeng anak ako. Nagkaroon nga ng pangyayari kung saan pinalayas ako dahil tumatatakas ako tuwing gabi. Di ko alam kung saan ako pupunta. Biglang pumasok sa isip ko na pumunta kay Daddy sa Bulacan. Kinapalan ko na ang mukha ko, pumunta ako dun at nakiusap na kupkupin na lang niya ako. Tinanggap niya ako, kahit na ako ang nagsumbong kay Mommy na may kirida siya. Dalawang buwan akong nanatili doon, at sa mga panahong yun naging malapit ako kay Daddy. Nalaman ko din na ako pala ang paborito niyang anak. Sa piling ni Daddy, nakaramdam ako ng kalinga ng isang magulang. Dumating ang finals noong 1st year second sem. Wala akong pambayad. Wala kaming pagkukuhanan ng pera, dahil wala naman trabaho si Daddy. Balak ko na sanag magtrabaho na lang, pero hindi niya ako pinayagan. Sabi niya, ibabalik na lang daw niya ako kina Mommy, pero tumutol ako. Pagkadating ko sa paaralan noon, sinabi ko agad sa mga bestfriends ko yung sinabi ni Daddy. Sumang-ayon sila, dapat na daw talaga akong bumalik kay Mommy. Humingi ng tawad, tanggalin ang pride. Inisip ko si Daddy, kung sino na ang mag-aalaga sa kanya. Sabi ng mga kaibigan ko, pwede ko pa naman siya bisitahin. Humingi ako ng lakas ng loob sa mga kaibigan ko. Sinuportahan nila ako. Sinamahan pa nila ako kay Mommy para humingi ng tawad. At nagawa ko naman. Pinayagan na akong umuwi. Kinabukasan, nag-impake na ako at nagpaalam na sa ama ko at sa mga kamag-anak ko sa Bulacan. 

Kung titignan ako, walang kakaiba sa akin maliban lang sa pagiging payat. Pero may mga malalim na sikreto akong tinatago na tanging mga pinagkakatiwalaang kaibigan ko lang ang nakakaalam. Kahit na magulo ang pamilya ko, maswerte padin ako dahil may mga kaibigan ako na dumadamay sa akin at sumusuporta. Nagmahal na din ako ng sobra, at nasaktan ng sobra. Nagmahal kung saan pinagpalit ko ang lahat, pamilya at kaibigan, para lang sa isang taong niloko ako at ipinagpalit sa iba. Pero hindi na mahalaga kung sino at bakit, ang mahalaga ay natuto ako. Sa bawat landas na tatahakin ko, tanging ang pamilya at kaibigan lamang ang mga taong hinding hindi ako iniwan. Ngayon, oras naman para bumawi sa kanila. 

Ganyan ang ikot ng buhay ko, magiging masaya tapos biglang magiging malungkot. Ang mahalaga magpakatatag ako at manalig sa Diyos. Pagsubok lamang Niya ito sa akin. Dahil alam niyang mahina akong tao, kaya niya pinapalakas. May dahilan ang lahat. Ngayon, masaya ako sa buhay ko. Lagi akong positibo sa lahat na mga problemang darating sa buhay ko. Ang tanging iniisip ko na lamang ay ang kinabukasan ko. Tutuparin ko ang aking mga pangarap. Magiging matatag lang ako. 


Saturday, November 26, 2011

Ivy Balasta Cabarda "KAMBAL"


"Dalawang magkaibang mundo, pinagtagpo sa hindi inaasahang panahon at sitwasyon."

Yan na siguro ang pinakamaikling explanation kung paano kami nagkakilala. Well, hindi na mahalaga kung paano kami nagsimula. Ang importante ay kung ano kami ngayon.

Makwento. Iyakin. Makulit. Masayahin. Maldita. Moody. Maaasahan. Malakas sapak sa utak. Malambing. Tampuhin. Mapagmahal.
-Iilan lamang yan sa ugali ni Ms.Cabarda.

Hindi makukumpleto araw ko ng hindi sya nagwawallpost at nagtetext sa akin.

There's one thing I like about her. Marunong syang magpahalaga sa kung anong meron sya. Lalong lalo na sa mga taong mahalaga para sa kanya. Napakamapagmahal na tao.

Sheez! Oh well, I admit. Noong una, di ko talaga sya gusto. Pero ganun pala talaga noh? Hindi ka pala dapat muna mang-judge ng kapwa mo hanggang di mo pa talaga sya nakikilala ng totoo. Since we've become friends, unti-unting nagbabago tingin ko sakanya. Masaya sya kasama. Marami din syang bagay na tinuro sakin. Mga payo niyang nagmulat sakin.

Alam ko accidentally lang kung bakit kami naging ganito ka-close. Pero minsan naiisip ko, is it really an accident? Or is it a destiny? Pero if ever man na mawawala sya sa tabi ko, I know I'm ready. Alam ko namang hindi sya yung permanent friend na nakalaan sakin. Siguro dadaan lang sya sa buhay ko para pasayahin ako at para maramdaman kong hindi ako nagiisa. But if ever I'm given a chance to choose my forever friend, I'll choose her! :) As long as she is with me, papahalagahan ko sya. I'll take care of her. Sana tumagal pa friendship namin.

Kambal, I love you!
Belated Happy 17th Birthday! ChupchupMwamwa:*
GodBless :)

Sunday, July 31, 2011

Tungaw kong MAHAL.

Apat na magkakaibigang may iba't ibang pananaw.
Apat na magkakaibigang may iba't ibang ugali.
Apat na magkakaibigang hindi mo aakalaing magkakasundo.
Apat na magkakaibigang hindi mag-iiwanan.


-AiCaGenSan
Isang pangalan na sumisimbolo sa apat na magkakaibigan.
Ailyn. Caryl. Generoso. Sandra.


Di ko inaasahan na magiging malapit kaming apat sa isa't isa. Malalayo ang mga ugali namin sa bawat isa. Kaya parang ang hirap isipin kung pano kami naging close.
Eh paano nga ba talaga? Sa tuwing napag uusapan namin yan, ang hirap pagdugtong-dugtungin ng mga pangyayari. Bakit di mo din subukang alamin?


-Si Caryl naging close ko dahil sa EBS. Naging close niya din si Generoso at Sandra dahil classmate nya sila sa LTS. Eh paano ako sumingit? Di naman ako LTS.
Ganito kasi yun, Soul-Sister ko si Caryl. Lagi kaming magkasama kahit saan. Kaya sa pagkakatanda ko pinasama niya ko nun sa klase niya sa LTS. Dun ko nakilala sila Sandra at Gen.
Kilala ko na sila noon pa, kasi magkaklase kami. Pero mas nagka-bonding kami lalo nung sumasama na ako sa LTS nila. Sa mga panahong yun, crush ko pa si Generoso.
Ayun, so inshort si Caryl pala ang dahilan. Si Caryl pala ang nag dugtung-dugtong ng magugulo naming mundo.

Ayun. Yun na yun. Magulo ba? O magulo lang yung pagkakakwento ko? :)
Para san ba 'tong blog na ito? Bakit ko ba ginagawa ito? Para ma-enhance yung writing skills ko. JOKE!
Para 'to sa mga matatalik kong kaibigan, ang AiCaGenSan.


*Sa mga oras na 'to, napapangiti ako. Di ko alam kung bakit eh, pero feeling ko kasi ako si Bob Ong. Wala lang, feel ko lang.*


Ano nga ba yung mga ugali nila kaya ko nasabing mahirap kami magkasundo?

Si CARYL kasi, first impression ko dyan, mataray, tahimik at mahinhin. Kaya inisip ko, mukhang di kami magkakasundo.Kasi ako, makulit, maingay. Pero mali ako.Parehas pala kami ng ugali. Kaya nga soul-sister ko yan eh. Kasi parehas na parehas kami. Pati ng mga hilig at mga ayaw. Pati na din yung history ng buhay namin. Kaya mabilis kami nagkapalagayan ng loob. Sa tatlo, sya yung mas pinaka nakakakilala sakin. Kapang-kapa niya ako eh. Kapag may problema ako, alam na niya kagad. Ramdam niya ko eh. Kapatid na turing ko dyan eh. Tsaka ibang klase kami kung magbonding, walking trip from pleasant to francisco homes....... while raining. Oh? San ka pa? Yan ang trip. Eto pa, mamimigay ng flyers sa SM, flyers ng kainan sa foodcourt. Gusto mo pa? Oh eto, pupunta ng SM para maghanap ng lalaki. Ang saya namin diba? Iba kami eh. Kaya mahal ko 'tong si Aica eh.

Si GENEROSO, ang unico ijo namin.Tatay ko yan eh. Lagi kaming magkakampi, lalo na sa asaran. Di man halata sa itsura, pero napakaprotective niyan samin. Ayaw niya kaming nagsho-shorts. Pag nagshorts kami, susugatan nya daw legs namin. Oh diba? Protective. Generous din yan. Bagay na bagay sa pangalan niyan. Bihira lang yan ,magsalita ng nakaka-touch na salita para samin. Pero once nagsabi na sya, matatahimik kami. Matutuwa. Nakakataba ng puso. "Kapatid na ang turing ko sa inyo." Isang beses niya lang sinabi yan, pero di makakalimutan. Di ko alam kung bakit, pero pag si Gen na ang nagsalita, tumatatak sya sakin. Para sakin, masaabi kong napaka-powerful ng salita niya. Tsismoso din yan eh. Lalo na sa lovelife naming tatlo. Kailangan bawat detalye alam niya. Pero pag sya naman yung tinanong namin about sa lovelife niya, isa lang ang sagot niya. "I keep my lovelife PRIVATE." Oh diba? Nakaka-intriga. Pero all in all, isa lang masasabi ko, MASWERTE ako dahil may kaibigan akong tulad ni Gen, di man halata, pero alam kong maasahan yan. Iba ka Gen! The Best ka!

Si SANDRA, kung may tatay ako, may nanay din syempre. Nanay ko yan eh, at the same time, ate ko din. Iba mag asikaso yan. Sya yung naglilinis ng kwarto ni Caryl. sya din yung nagtutupi ng mga damit ko. See? San ka naman makakahanap ng ganyang klaseng kaibigan, maasikaso. Pag nagaasaran si Caryl at Generoso, sya din yung nagpapagitna sa kanila. Pinakamatanda kasi sya samin, kaya mas mature. Tama ba? Pero kahit magna-nineteen na yan, hindi halata. Ang bata kasi ng itsura eh. Pinakatahimik din yan. Sa aming tatlong babae, sya ang pinakamahinhin. Sya ang mas mukhang babae? Hahaha. Napaka-sweet din yan. Smart sya, globe ako, bigla biglang magtetext, "I love you Tumz." Eh paano kasi, Alltext eh. Pero nakakatuwa noh? Sweet, thoughtful and lovable, yan ang Tummie ko. Pikunin nga lang. Iyakin din ata? Pag sya ang nanahimik, alam na. Wag mo ng hintayin pang magwalk-out yan at baka sungitan ka pa. Sagana din ako sa advice nyan. Para talagang nanay. Swerte noh?


- Kita mo kung gaano ako kaswerte sa mga kaibigan ko? Eh ikaw ba naman magkaron ng mga ganyang kaibigan eh, sinong hindi magmamalaki. Di man malupet lovelife at family life ko, solve na solve naman ako sa mga kaibigan ko. Bawing bawi.

Trip naming gawin? Haay nako. Lagi mo kaming makikita sa K-Hub. Dun kami nagwawala. Dun kami nagcoconcert. Lagi kami andun lalo na pag may isa samin ang problemado. Dun ang takbuhan namin. McDo, isa pang tambayan. The best kasi ang gravy dun ee.

Haaaaay. I could not ask for more. Having this kind of people around me, is one of the greatest blessings I have. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko, isa lang ang natutunan ko,
"GIVE WORTH TO THE PEOPLE WHO GIVES YOU WORTH." Natuto akong pahalagahan ang mga kaibigan ko. Ngayon, AKO na ata ang pinaka masayang tao kapag kasama ko sila.

Caryl Espineli, Generoso Fadriga & Razel Allisandra Go. :D
Thank you. Mahal ko kayo, mga tungaw! :* Ingat, wag tanga. ^^


-yinnn. :)
ako na ang madrama.

Thursday, July 28, 2011

Never Again To Love


Never Again To Love

I keep promising myself that I will not love again. I convince myself that I'm not meant to be in a relationship and that I should stay by myself. I think about all the times I've been hurt, all the work I put in, romantic gestures, love offerings, and a portion of happiness that seems to only last a minute. I always say not to go back, especially if the break up was potentially painful, but no, I go back and I have lied to myself again; "I'm back in love again."

How can I never again love? How can I walk from the painful delusion of happiness? I'm not afraid to be alone, or to venture through life as a single man; truth is I've experienced less headache when it is just me and me alone. Never again shall I love, but here again I have lied. Never Again To Love, I shout to the high heavens. Another woman will not hurt me or throw my love away. I won't waste time writing love letters, poems; I won't waste time sending text messages saying "I'm thinking of you" or "I love you", I won't send flowers randomly, or surprise you at your job for lunch; Never again will I sip from the cup of deceit that is romantic love, or taste the sweet nectar of a woman's lips. Never Again To Love right? No I fool myself, I have lied to myself, and I trot down the road for love. Never again to love right?

Is Love A Feeling?


Is Love A Feeling?
I really don't think that love is just a feeling, but also I don't believe that love isn't a feeling at all.
I think that love is so powerful it is hard to define it.
Love is so powerful I think that we have to stop trying to ex love out of the equation!
Love is so amazing and it shouldn't be ex out of your feelings, or your relationship,
or your interactions with other people.
Love is so magical and we should experience.

Letting Go of the Past that Hurts.

Often times we are plagued by the pain of our past and by the memories of the people, places, or things that have caused us pain. In trying to overcome the perils of person to person intimacy, we are often challenged with navigating through the nightmares or flashbacks of horrible and painful exes/relationships.

How do we let go of the past and do we ever fully let go of our past experiences? These are two questions that I often ask myself; seemingly there is no definitive answer that I have come up with. There are honestly moments where I feel nothing about my past and I believe that I have triumphed over the hurt that I have experienced. Then there are those moments when it has been revealed to me that my past hurt was just buried deep in my subconscious and was waiting for the right moment to come out, that moment being when I enter into a dating situation or a new relationship.

How do you let go of the past? I believe that you must first acknowledge that you have a past. Acceptance is an incredible healing agent, when applied properly, it will allow you to walk down the path towards healing. Accepting that you have had painful past relationships will not only help you sort out the emotions you have, but it may even help you talk to your new beau about the problems you once had and what you would like to avoid in this new relationship with them. I'm not telling you to divulge all your past problems, but definitely the important ones you should discuss.

We should apply the lessons we have learned from our past. This is probably the most important step in the process of letting go. Application is the key to letting go and if you are able to identify where things went wrong, identify the qualities you don't want in a person, or identify the qualities within yourself that led to some painful interactions; this can possibly save you from entering into another dating situation and facing the same problems from before. Applying what you have learned may help you towards a healthy and nearly painless new relationship.

Never hold your new interest responsible for the pain your ex caused you in the past. This step is self explanatory. Don't hold them responsible, don't make them pay for the mistakes of your past, and definitely don't move on to something new if you're unable to not view them under the same microscope you viewed your ex.

Seek help. Yes by reading this post you have taken the steps towards getting some good, solid, and healthy outside perspective. I encourage you though to possibly confide in a friend you can trust or going to a counselor to assist you with letting go of the past hurts. Seek spiritual guidance or encouragement from a spiritual leader. Whatever you do find someone you can trust and talk to them about your desire to move forward and the hurt that you can't seem to let go of. Seeking outside perspective might just be the kick you need to help move you in the right direction.

Finally just make the decision to let go. Your past is your past, your ex is your ex (or should be), and it is time now for you to move on with your life. Making the decision to let go gives you the power to say I'm stronger than my past hurts and I want a chance to be happy. Yeah maybe you will have a flashback here or there, or something will remind you of your past hurts, but if you're taking the steps to let go of your past you are going to let it go. Decide to let go and you will.

The Law of BROKEN HEART.

If you are asking the question of how to heal my broken heart, then you have probably just ended a relationship with someone you loved very much. Interestingly, many people feel that when someone has a broken heart that they were the person that was dumped. However, many men and women alike realize that they aren’t in a healthy relationship, even if they love a person, and realize that it is best that they end things. This doesn’t mean that they don’t suffer from a broken heart, only that they realized that they need to make a change for a better future.

When you say: “heal my broken heart,” you aren’t necessarily trying to find a way to get back together with the person that you love. If that is the case, then you need to make some changes in your life to heal your own heart. You can do this without finding a new love, in fact you should move on without seeking out a new relationship because you aren’t over the old one yet.

One method of moving on and taking the heal my broken heart issue into your own hands is to start doing things that you used to do before you were in a relationship. Usually when someone starts dating someone or even gets married, they develop a couple’s pattern. They go to the same places and do the same things together. Get back into a previous routine so that you can establish your own thing that still feels familiar and comfortable for you.
Another thing that you can do is to eliminate everything that you have that used to belong to your ex. Some people recommend throwing everything away, but you should consider the stuff to a friend you trust, you never know when you will feel good enough to keep some pictures where you look fabulous or something like that. If you do give the stuff to a friend, tell them that they aren’t allowed to give it back to you or allow you to see the items until they are sure that you are no longer asking how to heal my broken heart but asking instead why it was broken in the first place.