Apat na magkakaibigang may iba't ibang ugali.
Apat na magkakaibigang hindi mo aakalaing magkakasundo.
Apat na magkakaibigang hindi mag-iiwanan.
-AiCaGenSan
Isang pangalan na sumisimbolo sa apat na magkakaibigan.
Ailyn. Caryl. Generoso. Sandra.
Di ko inaasahan na magiging malapit kaming apat sa isa't isa. Malalayo ang mga ugali namin sa bawat isa. Kaya parang ang hirap isipin kung pano kami naging close.
Eh paano nga ba talaga? Sa tuwing napag uusapan namin yan, ang hirap pagdugtong-dugtungin ng mga pangyayari. Bakit di mo din subukang alamin?
-Si Caryl naging close ko dahil sa EBS. Naging close niya din si Generoso at Sandra dahil classmate nya sila sa LTS. Eh paano ako sumingit? Di naman ako LTS.
Ganito kasi yun, Soul-Sister ko si Caryl. Lagi kaming magkasama kahit saan. Kaya sa pagkakatanda ko pinasama niya ko nun sa klase niya sa LTS. Dun ko nakilala sila Sandra at Gen.
Kilala ko na sila noon pa, kasi magkaklase kami. Pero mas nagka-bonding kami lalo nung sumasama na ako sa LTS nila. Sa mga panahong yun, crush ko pa si Generoso.
Ayun, so inshort si Caryl pala ang dahilan. Si Caryl pala ang nag dugtung-dugtong ng magugulo naming mundo.
Ayun. Yun na yun. Magulo ba? O magulo lang yung pagkakakwento ko? :)
Para san ba 'tong blog na ito? Bakit ko ba ginagawa ito? Para ma-enhance yung writing skills ko. JOKE!
Para 'to sa mga matatalik kong kaibigan, ang AiCaGenSan.
*Sa mga oras na 'to, napapangiti ako. Di ko alam kung bakit eh, pero feeling ko kasi ako si Bob Ong. Wala lang, feel ko lang.*
Ano nga ba yung mga ugali nila kaya ko nasabing mahirap kami magkasundo?
Si CARYL kasi, first impression ko dyan, mataray, tahimik at mahinhin. Kaya inisip ko, mukhang di kami magkakasundo.Kasi ako, makulit, maingay. Pero mali ako.Parehas pala kami ng ugali. Kaya nga soul-sister ko yan eh. Kasi parehas na parehas kami. Pati ng mga hilig at mga ayaw. Pati na din yung history ng buhay namin. Kaya mabilis kami nagkapalagayan ng loob. Sa tatlo, sya yung mas pinaka nakakakilala sakin. Kapang-kapa niya ako eh. Kapag may problema ako, alam na niya kagad. Ramdam niya ko eh. Kapatid na turing ko dyan eh. Tsaka ibang klase kami kung magbonding, walking trip from pleasant to francisco homes....... while raining. Oh? San ka pa? Yan ang trip. Eto pa, mamimigay ng flyers sa SM, flyers ng kainan sa foodcourt. Gusto mo pa? Oh eto, pupunta ng SM para maghanap ng lalaki. Ang saya namin diba? Iba kami eh. Kaya mahal ko 'tong si Aica eh.
Si GENEROSO, ang unico ijo namin.Tatay ko yan eh. Lagi kaming magkakampi, lalo na sa asaran. Di man halata sa itsura, pero napakaprotective niyan samin. Ayaw niya kaming nagsho-shorts. Pag nagshorts kami, susugatan nya daw legs namin. Oh diba? Protective. Generous din yan. Bagay na bagay sa pangalan niyan. Bihira lang yan ,magsalita ng nakaka-touch na salita para samin. Pero once nagsabi na sya, matatahimik kami. Matutuwa. Nakakataba ng puso. "Kapatid na ang turing ko sa inyo." Isang beses niya lang sinabi yan, pero di makakalimutan. Di ko alam kung bakit, pero pag si Gen na ang nagsalita, tumatatak sya sakin. Para sakin, masaabi kong napaka-powerful ng salita niya. Tsismoso din yan eh. Lalo na sa lovelife naming tatlo. Kailangan bawat detalye alam niya. Pero pag sya naman yung tinanong namin about sa lovelife niya, isa lang ang sagot niya. "I keep my lovelife PRIVATE." Oh diba? Nakaka-intriga. Pero all in all, isa lang masasabi ko, MASWERTE ako dahil may kaibigan akong tulad ni Gen, di man halata, pero alam kong maasahan yan. Iba ka Gen! The Best ka!
Si SANDRA, kung may tatay ako, may nanay din syempre. Nanay ko yan eh, at the same time, ate ko din. Iba mag asikaso yan. Sya yung naglilinis ng kwarto ni Caryl. sya din yung nagtutupi ng mga damit ko. See? San ka naman makakahanap ng ganyang klaseng kaibigan, maasikaso. Pag nagaasaran si Caryl at Generoso, sya din yung nagpapagitna sa kanila. Pinakamatanda kasi sya samin, kaya mas mature. Tama ba? Pero kahit magna-nineteen na yan, hindi halata. Ang bata kasi ng itsura eh. Pinakatahimik din yan. Sa aming tatlong babae, sya ang pinakamahinhin. Sya ang mas mukhang babae? Hahaha. Napaka-sweet din yan. Smart sya, globe ako, bigla biglang magtetext, "I love you Tumz." Eh paano kasi, Alltext eh. Pero nakakatuwa noh? Sweet, thoughtful and lovable, yan ang Tummie ko. Pikunin nga lang. Iyakin din ata? Pag sya ang nanahimik, alam na. Wag mo ng hintayin pang magwalk-out yan at baka sungitan ka pa. Sagana din ako sa advice nyan. Para talagang nanay. Swerte noh?
- Kita mo kung gaano ako kaswerte sa mga kaibigan ko? Eh ikaw ba naman magkaron ng mga ganyang kaibigan eh, sinong hindi magmamalaki. Di man malupet lovelife at family life ko, solve na solve naman ako sa mga kaibigan ko. Bawing bawi.
Trip naming gawin? Haay nako. Lagi mo kaming makikita sa K-Hub. Dun kami nagwawala. Dun kami nagcoconcert. Lagi kami andun lalo na pag may isa samin ang problemado. Dun ang takbuhan namin. McDo, isa pang tambayan. The best kasi ang gravy dun ee.
Haaaaay. I could not ask for more. Having this kind of people around me, is one of the greatest blessings I have. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko, isa lang ang natutunan ko,
"GIVE WORTH TO THE PEOPLE WHO GIVES YOU WORTH." Natuto akong pahalagahan ang mga kaibigan ko. Ngayon, AKO na ata ang pinaka masayang tao kapag kasama ko sila.
Caryl Espineli, Generoso Fadriga & Razel Allisandra Go. :D
Thank you. Mahal ko kayo, mga tungaw! :* Ingat, wag tanga. ^^
-yinnn. :)
ako na ang madrama.
Caryl Espineli, Generoso Fadriga & Razel Allisandra Go. :D
Thank you. Mahal ko kayo, mga tungaw! :* Ingat, wag tanga. ^^
-yinnn. :)
ako na ang madrama.